Unang Blog sa Sari-Saring K!
Sa wakas, at nakapagsimula ulit ako ng aking blog. This time, walang tema. Kung ano ang dumaloy sa utak ko- ayon! yun ang isusulat ko at ipapahayag dito.
Nasa harapan ako ngayon ng aking computer, sa loob ng opisina. May hinihintay na e-mail mula sa principal namin. Matagal sumagot. Nakahanda na lahat. Siya na lang ang kulang. Kaya eto. Napagdesisyunan na magbukas ng blog ulit at sumulat.
Matagal na panahon na rin na naging adik kaming mga magkakaklase sa blogging. Multiply pa. Una, pagandahan ng web layout. Pangalawa, padamihan ng uploaded photos para suportahan ang blog na isinulat. At huli, paramihan ng blog. Maikli o mahaba- counted un!
Alas tres na ng hapon at ilang oras na naman, ay uwian na.
Tapos na ang iba kong trabaho. Kaya petiks na lang. Si principal na lang from Taiwan ang hinihintay para maging successful at productive ang araw ko ngayon.
Ayan.. May naisulat na ako. Okay na ito. Ibang topic naman! Haha. May mga topic na akong naisip para i-share dito. Sana makarelate yung iba don. Sigurado ako. For Sure! Daming kasiguraduhan yan ah. :)
Given